Trapik naranasan, dahil sa mga hukay

MANILA, Philippines - Dumanas ng ma­tinding pagsisikip ng trapiko ang mga motorista sa ilang pa­ngunahing lansangan ng Metro Manila dahil sa ginagawang pipe la­ying at pagkukum­puni ng mga kalsada kahapon.

Ito ang nakara­ting na report sa Metro Base ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid na nagsa­sagawa ng pipe la­ying­ ang pamunuan ng May­nilad sa kahabaan ng Araneta Avenue, Orense at Edsa-Kalayaan Ave­nue, Makati City.

Bukod dito ay ki­­­nukumpuni rin ng De­partment of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kalsada sa naturang mga area kung saan mada­ling araw pa la­mang ay matinding pagsisikip na ng trapiko ang na­ ranasan ng ilang motorista na bumabagtas sa nabanggit na mga lugar.

Show comments