^

Metro

Brgy. chairman namaril sa inuman

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nabaril at napatay ng isang barangay chairman ang mismong kaniyang supporter matapos magkasumbatan sa isang inuman kung saan nadamay pa sa ligaw na bala ang isang lola at isa pang lalaki sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Ramil Bautista, 39, ng Mejorada St., Tondo, Maynila sanhi ng tinamong siyam na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan

Sugatan naman sa insidente ang 81-anyos na si Marcela Rin­coraya na tinamaan ng ligaw na bala sa dibdib nang tumagos sa tinutulugan nitong kuwarto habang nadaplisan din ng bala si Ehpraim Mendoza.

Kinilala naman ang suspect na si Brgy. Chairman Erwin Catacutan, 40, ng Brgy. 62, Zone 6.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima kung saan kainuman nito ang brgy. captain at iba pa.

Sa gitna ng inuman ay naungkat ang alitan ng biktima at ama ni Catacutan hinggil sa isang nawawalang susi hanggang sa sumba­tan din ng nasawi ang suspect hinggil naman sa naitulong nito sa pagtakbo bilang brgy. chairman.

Napikon umano ang chairman at binunot ang nakasukbit na kalibre .45 baril at inubos ang bala sa katawan ni Bautista hanggang sa tumagos sa dingding ng bahay na tinutulugan ng dalawa pang biktima.

Matapos ang pa­mamaril ay mabilis na tumakas ang suspect bitbit ang ginamit na baril.

vuukle comment

BAUTISTA

BRGY

CHAIRMAN ERWIN CATACUTAN

EHPRAIM MENDOZA

KINILALA

MARCELA RIN

MAYNILA

MEJORADA ST.

RAMIL BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with