^

Metro

Holdaper todas sa brgy. captain

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isa sa da­lawang holdaper na sumalakay sa isang pam­pasaherong jeepney nang mabaril ng barangay chairman na kasamang rumes­ponde sa insidente, ka­hapon ng umaga sa Pasay City.

Patuloy na inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa na­sawing holdaper na na­gawa pang isugod sa Pasay City General Hos­pital.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .45 baril. Tinutugis naman ang kasamahan nito na nakilalang si Jeffrey Pilapil, alyas Tambok, ng Maginhawa St., Pasay.

Sumuko sa pulisya si Chairman Abdul Ma­nap Akok, 52, ng Brgy. 14 Zone 1. Isinuko rin niya ang baril na ginamit niya sa pamamaril.

Sa imbestigasyon, sakay ng pampasa­he­rong jeep sina Raquel Baquero, 19 at dalawa pang pasahero nang mag­deklara ng holdap ang dalawang suspek na armado ng baril at pa­talim pagsapit sa kanto ng F.B Harrison at Maginhawa St., dakong alas-6 ng umaga.

Nang bumaba ang mga suspek, kaagad na­kapagsumbong ang mga biktima kay Chairman Akok na mabilis na rumesponde kasama ang kanyang mga tanod.

Depensa ni Akok sa kanyang pamamaril, ti­nangkang manlaban uma­no ng mga suspek at akma silang babarilin nang kanilang masukol ang mga ito kaya kanyang pinutukan.

AKOK

B HARRISON

CHAIRMAN ABDUL MA

CHAIRMAN AKOK

JEFFREY PILAPIL

MAGINHAWA ST.

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOS

RAQUEL BAQUERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with