^

Metro

Opisyal ng Army, timbog sa 6 counts ng rape

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Dahil sa kinakaharap na kasong 6 counts of rape kaya dinakip ng mga pulis ang isang opisyal ng Phi­lippine Army sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa Marikina City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nadakip na si Lt. John Solomon, 30, nakatalaga sa Provost Marshal sa Fort Bonifacio, Makati City.

Ang opisyal ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Lorna Catriz-Cheng Chua ng Marikina Regional Trial Court Branch 168.

Si Lt. Solomon ay kinasuhan ng six counts ng rape na may kinalaman sa RA. 7610 o mas kilala sa child abuse noon pang 2008.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon nang arestuhin ang opisyal sa Marikina River Park kung saan ay nakatakda itong makipag-usap sa mga magulang ng bata. Kasama pa ni Lt. Solomon ang kanyang mga armadong tauhan nang paligiran sila ng Marikina PNP at saka inihain ang arrest warrant.

Nauna rito nakipagkasundo ang opisyal sa mga magulang ng bata para magkaroon ng aregluhan at nagkasundong magkita sa nasabing lugar.

Lingid sa opisyal ay humingi ng tulong sa pulisya ang mga magulang ng biktima para maaresto ang nasabing opisyal.

DAHIL

FORT BONIFACIO

JOHN SOLOMON

JUDGE LORNA CATRIZ-CHENG CHUA

MAKATI CITY

MARIKINA CITY

MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MARIKINA RIVER PARK

PROVOST MARSHAL

SI LT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with