^

Metro

Frat member pinugutan, binalatan

- , Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Brutal ang ginawang pagpatay sa isang hindi pa kilalang binatilyo na hi­ni­hinalang mi­yembro ng isang fraternity ma­tapos matagpuan ang ka­tawan nito na walang ulo, braso at binti kung saan tinalupan pa ang balat ng dibdib nito na nakalagay sa isang garbage bag sa Caloocan City kahapon ng umaga­.

Alas-6:20 ng umaga, habang naglalakad ang saksing si Monet Figueroa sa Sikatuna Avenue, Urduja ng nabanggit na lungsod nang mapansin nito ang itim na garbage bag sa gilid ng Business High School.

Mabilis nitong itinawag sa barangay ang ka­hina-hinalang garbage bag at nang puntahan at silipin ay laking gulat nang makitang torso ng tao ang laman.

Ayon sa pulisya, tinatayang nasa edad 16 hanggang 17 -anyos ang biktima na binalatan pa ang dibdib upang burahin ang tattoo nito.

Natagpuan din ang isang sulat sa biktima na nakalagay ang “Mabuhay Tau Gamma, hindi ninyo kaya si Makaw”.

Malaki ang paniwala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at dinala lang sa kinatagpuang lugar para mailigaw ang imbestigasyon.

Patuloy na nagsa­sagawa ng masusing­ imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa na­sa­bing insidente at ina­alam kung away fraternity nga ang motibo sa pagpaslang dito.

AYON

BUSINESS HIGH SCHOOL

CALOOCAN CITY

MABILIS

MABUHAY TAU GAMMA

MAKAW

MONET FIGUEROA

SHY

SIKATUNA AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with