Salvage victim natagpuan
MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang na katambak sa isang bangketa habang nakasilid sa garbage bag sa lungsod kahapon ng madaling-araw.
Walang pagkakakilanlang nakuha sa biktima na natagpuan ng ilang residente sa NLEX West Service Road sa Balintawak, Quezon City ganap na alas-12:01 ng madaling-araw.
Nakasilid sa isang itim na plastic bag at balot ng alambre at masking tape ang bangkay ng biktima na tadtad rin ng saksak sa dibdib at mga pasa sa leeg na dulot ng matinding pagkakasakal.
Natagpuan din sa katawan nito ang kapirasong papel na may nakasulat na “holdaper ang hilig ko.”
Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente.
- Latest
- Trending