^

Metro

Caloocan, Pasay at Maynila nangunguna sa may pinakamaruming hangin sa MM

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ikatlo ang lungsod ng Maynila na may pina­ka­maru­ming hangin.

Ito ang lumitaw sa isinagawang Clean Air Summit alinsunod na rin sa na­italang maruming hangin mula sa mga pampubliko at pribadong sasakyang nagbubuga ng maiitim na usok.

Nabatid na nangunguna ang lungsod ng Caloocan (Monumento) na sinusundan naman ng Pasay (MRT) sa may pinakamaruming ha­ngin habang pangatlo naman ang Manila (Taft) sa buong Metro Manila.

Ayon kay Anti-Smoke Bel­ching Unit chief Jowie Sean Arriza Humady, ito’y matapos na bumaba ng 80 porsiyento ang Total Suspended Particles sa Kamaynilaan. Sa kasalukuyan ay nasa 101 TSP kumpara sa dating 161 TSP.

Giit ng Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), matinding panganib umano sa kalusugan ng publiko ang ‘particulate matters’ na nalalanghap na hangin mula sa mga bus, truck, at jeepney.

Napag-alaman na uma­abot sa mahigit 50 sasakyan ang nahuli ng ASBU na nasa ilalim ng pamumuno ni Department of Public Ser­vice Director ret Col. Carlos Bal­ tazar kung saan karamihan dito ay mga bus ng San Agustin, Greenstar, Jetro, Jhoncy, at Earthstar at jeep, na nagbubuga ng matinding polusyon sa hangin na hindi pumapasa sa 2.5 level sa opaci meter.

vuukle comment

ANTI-SMOKE BEL

CARLOS BAL

CLEAN AIR SUMMIT

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF PUBLIC SER

JOWIE SEAN ARRIZA HUMADY

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with