^

Metro

3 timbog sa abortion

-

MANILA, Philippines - Natimbog ang tatlo katao kabilang ang isang abortionist sa isinagawang entrapment operation ng mga elemento ng Manila City Hall Public Assistance (CHAPA) sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Iprinisinta kay Manila Mayor Alfredo Lim ni CHAPA at Manila Police Distict-General Assignment Section chief, C/Insp Marcelo Reyes ang mga suspect na sina Luzviminda Tibay, 44 , ang abortionist, ng P. de Guzman St., Quiapo, Maynila; Reynaldo Ramirez, 42, runner at look-out umano sa operasyon at live-in partner umano ni Tibay at Masalina Garcia­, 47, nagsisilbing assistant ni Tibay.

Sa pamamagitan ng isang buntis na ginamit sa entrapment, dakong ala-1:20 ng hapon ng isagawa ang operasyon at nang magsisimula na ang abortion operation ay pinasok ng mga operatiba ang bahay ni Tibay kung saan isinasagawa ang paglalaglag.

Sa halagang P1,500 hanggang P3,000, depende sa buwan ng dinadala sa sinapupunan ang presyo ng abortion.

Duda si Reyes na ang suspect ay isa sa grupo ng abortionists na nagtatapon ng mga fetus sa ibat-ibang lugar sa Maynila.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 2382 (Medical Act of 1959-Illegal practice of Medicine) at paglabag sa Art. 256 ng Revised Penal Code (Attempted Intentional Abortion) ang mga suspect.

Samantala, isa pa ring abortionist ang nadakip sa isang entrapment operation na isinagawa sa Caloocan City na iniulat kahapon.

Nakakulong sa Caloocan City Police detention cell ang suspek na si Nora Barruga, 41, ng San Isidro, Tala ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa Caloocan City Police, nakatanggap sila ng impormasyon, na umano’y nagsasagawa ng abortion ang suspek sa kanilang bahay. (Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla)

ATTEMPTED INTENTIONAL ABORTION

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DORIS FRANCHE-BORJA

GUZMAN ST.

INSP MARCELO REYES

MAYNILA

TIBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with