Quiapo vendor, Bikolano tumama sa 6/45 Lotto
MANILA, Philippines - Isang tindero sa Quiapo, Maynila at isang Bikolano ang maghahati sa P24 milyong jackpot prize sa 6/45 Mega lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ginanap na bola kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Agad namang kinubra ng 48-anyos na vendor ang mahigit na P12 milyong kalahati ng P24 milyong jackpot prize nang kapwa tamaan ang kumbinasyong 11-34-24-27-29-16.
Sinabi ng kumubrang vendor na gagamitin niya ang bahagi ng milyones sa pagnenegosyo sa Quiapo at pagpapaaral sa walo niyang anak upang hindi tumulad sa kanya ang kinabukasan.
Ikinuwento pa kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ng naturang vendor na madalas na pagsabihan siya ng misis na tumigil na sa pagtaya dahil sa loob ng 10-taong pagtaya ay hindi naman tumatama.
Napatunayan umano niya na mali ang kanyang misis na laking pasalamat sa kanya ngayon nang matumbok ang jackpot ng mega lotto.
Wala namang nanalo sa lumabas na kombinasyong 38-40-37-47-31-20 ng 6/55 Grand lotto na binola rin kamakalawa ng gabi na may kabuuang jackpot prize na P30 milyon.
- Latest
- Trending