^

Metro

'Holdaper' tinodas sa hiram na baril

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Napatay ang isang lalaki na sinasabing holdaper ng kanyang kabaro matapos mang-agaw ng baril ang una habang magkaangkas sa motorsiklo bahagi ng Palanca Street, San Miguel, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Tatlong tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang nakilala lamang sa alyas Roland, 5’5, ng Bagong Barrio, Caloocan City habang naaresto naman ang suspect na si Monaim Adil, 26, tubong Marawi, ng Camia Street, Lower Jasmin  Ext. Payatas, Quezon City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO2 Jose Gumilan, nanghiram ng baril ang magkaibigan dahil sa may babanatang kaaway, suba­lit tinangkang agawin ng biktima ang baril ng suspek.

Hindi naman naniniwala ang pulisya sa alibi ng suspect kung kaya patuloy naman ang imbestigasyon.

“Sigurado may lakad ang dalawa kundi holdap, drugs, ayaw lang niya sabihin ang totoo,” ayon kay Gumilan.

vuukle comment

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CAMIA STREET

GUMILAN

JOSE GUMILAN

LOWER JASMIN

MONAIM ADIL

PALANCA STREET

QUEZON CITY

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with