^

Metro

Binata todas sa resbak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Todas ang isang 21-anyos na lalaki nang resbakan ng dati nitong kaalitan sa Tondo, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Renato Paladin ng Bldg. 19, Unit 312 Permanent Housing, Vitas, Tondo, Maynila sanhi ng saksak sa katawan.

Naganap ang insidente sa pagitan ng alas-10:00 - 11:00 ng gabi sa kanto ng Rodriquez at H. Lopez Sts., Tondo.

Kapistahan umano sa lugar at nagdiriwang ang mga residente kabilang ang biktima na nasa labas ng bahay nang biglang sumulpot ang suspect at walang sabi-sabing pinag-uundayan ng saksak ang biktima at mabilis na tumakas.

Ilang residente ang nagsabi na dating kaaway ng biktima ang suspect na pinaniniwalaang gumanti ito nang maispatan ang biktima sa lugar.

vuukle comment

ILANG

KAPISTAHAN

LOPEZ STS

MAYNILA

NAGANAP

RENATO PALADIN

RODRIQUEZ

TODAS

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with