^

Metro

2 batang lalaki nalunod patay

- Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang batang la­laki ang namatay ma­tapos na malunod sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Caloocan kahapon.

Hindi na umabot pa sa Quezon City Ge­ne­ral Hospital si Marvin Aguila­, 10, ng no. 22-A Ofelia St., Project 8 sa Quezon City.

Ayon kay SPO2 Fran­cis Escobido, ng QCPD-CIDU nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga sa isang bakanteng lote sa panulukan ng Min­danao Avenue, at Road 20, Project 8.

Kasama ng bikti­ma ang kanyang mga kaibigang sina Edward Luciano at Nataniel Veran na nagpunta sa nasa­bing lugar kung saan big­­lang luma­ngoy ang biktima at na-trap sa isang fishnet.

Agad namang nakita ang biktima ng kanyang mga kaibigan at tumawag ng tricycle saka dinala ang una sa nasa­bing ospital, pero bigo pa rin silang maisalba ang buhay nito.

Samantala, dakong alas-8 din ng umaga  kahapon ng lumutang sa creek ang bangkay ng isang Christian Mico Santos, 6, ng Landaska St., Caloocan City.

Nabatid na noong nakaraang linggo pa hinahanap ng mga magulang nito ang biktima na naglakwatsa dahil sa piyesta sa kanilang lugar. 

Nagpaskil pa ng la­rawan sa mga puno at poste ang magulang ng biktima upang makatulong sa paghahanap sa paslit.

Subalit kahapon ay hindi inakalang lulutang sa creek ang biktima.

Gayunman, nagsa­ sagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya kung sino ang dumukot sa paslit bago ito ma­tagpuang bangkay.

vuukle comment

A OFELIA ST.

CALOOCAN CITY

CHRISTIAN MICO SANTOS

LANDASKA ST.

MARVIN AGUILA

NATANIEL VERAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY GE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with