10-anyos patay sa sunog

MANILA, Philippines - Isang 10-taong gulang na batang lalaki ang nasawi habang sugatan ang dalawang kapatid nito sa sunog na naganap sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Namatay dahil sa suffocation ang biktimang si John Stephen Lesigue, ha­bang sugatan naman ang kakambal nitong si John Kennedy at nakatatandang kapatid na si Fredelyn, 12, residente ng Herbosa St. Tondo.

Nabatid na dakong alas- 4:00 ng madaling-araw ng magsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma. Inaalam pa ang sanhi ng sunog dahil may sunud-sunod na malalakas na pagsabog ang narinig bago sumiklab ang apoy na nagsimula sa ground floor ng 3-palapag na bahay.

Nadamay namang ma­sunog ang sampu pang ka­bahayan.

Show comments