10-anyos patay sa sunog
MANILA, Philippines - Isang 10-taong gulang na batang lalaki ang nasawi habang sugatan ang dalawang kapatid nito sa sunog na naganap sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Namatay dahil sa suffocation ang biktimang si John Stephen Lesigue, habang sugatan naman ang kakambal nitong si John Kennedy at nakatatandang kapatid na si Fredelyn, 12, residente ng Herbosa St. Tondo.
Nabatid na dakong alas- 4:00 ng madaling-araw ng magsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma. Inaalam pa ang sanhi ng sunog dahil may sunud-sunod na malalakas na pagsabog ang narinig bago sumiklab ang apoy na nagsimula sa ground floor ng 3-palapag na bahay.
Nadamay namang masunog ang sampu pang kabahayan.
- Latest
- Trending