^

Metro

Pananakit ng mga guro, pinatututukan ni Lim

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na walang dapat na ipangamba ang mga magulang ng M. Hizon Elementary School bunsod na rin ng reklamo ng pananakit ng ilang mga guro dito sa kanilang   mga estudyante.

Ang paniniyak ay ginawa ni Lim, kasabay ng pulong kung saan siya namagitan sa mga magulang at guro.

Ayon kay Lim, walang puwang sa mga paaralan ang mga gurong nananakit at nang-aabuso ng estudyante sa kabila ng pagiging pasaway ng mga ito. Aniya, ang mga guro ang pangalawang ina na dapat na dumisiplina sa mga estudyante at magturo ng tamang asal.

Paliwanag ni Lim, hindi kinukunsinti ng Division of City Schools lalo na ng kanyang tanggapan ang marahas na ugali at pananakit ng ilang mga guro kung kaya’t hinihikayat niya ang mga estudyante maging ang mga magulang na magsampa ng reklamo upang agad na maaksiyunan.

Nabatid kay Lim na siya mismo ang nagrerekomenda kay DCS Superintendent Ponciano Menguito sa pagsibak sa guro na aabusuhin ang kanyang tungkulin at mapapatunayang patuloy na nanakit.

Lumilitaw na napipilitan ang mga estudyante na magpalipat ng section sa oras na malaman na nanakit ang mga guro. Sa kabila nito, pinaiimbestigahan pa rin ni Lim ang mga guro na inirereklamo bagama’t tumanggi itong ibunyag ang mga pangalan.

ANIYA

DIVISION OF CITY SCHOOLS

GURO

HIZON ELEMENTARY SCHOOL

LIM

LUMILITAW

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

SUPERINTENDENT PONCIANO MENGUITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with