^

Metro

10 nalason sa ginisang munggo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinugod sa pagamutan ang 10 empleyado ng isang restoran sa Pasay City nang makaranas ng matinding pana­nakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae matapos mag-ulam­ ng ginisang munggo sa kanilang pananghalian, kamaka­lawa ng hapon.

Unang dinala sa clinic ang mga empleyado ng Buffet 101 International Cuisine Restaurant na nasa Bldg K, Seaside Boulevard sina Rodelio Ybanez, 19, Jeremy Barrientos, 24, Robert Carmen, 36, Alejandro Ignacio, 27, Paulo Anthony Cho, 18, Cemjoey Bolima, 19, Lawrence Joy Manlungat, 20, Anastacio Alig, 29, Ryan Armenta, 24 at Carlo Andaya, 21 makaraang sabay-sabay na makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan dakong ala-1:30 ng hapon.

Nang hindi agad na malapatan ng lunas, nagpasya na ang mga manggagamot na isugod ang mga biktima sa San Juan De Dios Hospital.

Sa imbestigasyon ng Pasay City Police, sabay-sabay na kumain ng tanghalin ang mga biktima na nag-ulam ng ginisang munggo na niluto ng cook na si Alberto Cotamora. Matapos kumain, isa-isa ng nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae ang mga kawani kaya’t dinala muna sila sa clinic.

Isinailalim naman sa pagsusuri ng Environmental Sanitation Services ng City Health Office ng Pasay City ang lahat ng mga nilulutong pagkain ng naturang restaurant  upang alamin kung tumatalima ang mga ito sa tamang pamamaraan ng paghahanda at pagluluto ng pagkain maging ang kakainin ng kanilang mga tauhan.

ALBERTO COTAMORA

ALEJANDRO IGNACIO

ANASTACIO ALIG

BLDG K

CARLO ANDAYA

CEMJOEY BOLIMA

CITY HEALTH OFFICE

ENVIRONMENTAL SANITATION SERVICES

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with