^

Metro

Jeepney vs bus: 6 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Anim katao ang sugatan makaraang magsalpukan ang isang pampasaherong jeep at isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ni SPO4 Nel­son Apostol ng Quezon City Police Traffic Sector 5, nakilala ang sugatan na sina Marlon Veldulaga, 37; Junnie Vela Ester, 49; Remedios Taruc, 39; Mari­cris Cristina Espina, 44; Liza Marie Aba­yata, 17; at Joseph Franco, 21; pawang mga pasahero ng jeepney at ginagamot sa East Ave­nue Medical Center.

Nasugatan ang mga biktima, makaraang salpukin umano ng sinasakyan nilang jeepney (TWD-564) na minamaneho ng isang Lorimar Zipagan ang hulihang bahagi ng CM transit bus (TYR-688) na minamaneho ni Jaime Perillo Jr.

Sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente sa may southbound lane ng Commonwealth Avenue partikular sa harap ng King V chef food and restaurant sa Brgy. Holy Spirit pasado alas-9 ng umaga.

Binabagtas ng dalawang sasakyan ang nasabing lugar kung saan nasa gawing unahan ang bus nang biglang sinalpok ito ng jeepney

Sa lakas ng impact, nawasak ang unahang bahagi ng jeepney na ikinasugat ng mga pasahero nito.

Sinasabing hindi na nagawa pang makapagreno ng jeepney matapos na biglang huminto ang bus sa lugar.

vuukle comment

COMMONWEALTH AVENUE

CRISTINA ESPINA

EAST AVE

HOLY SPIRIT

JAIME PERILLO JR.

JOSEPH FRANCO

JUNNIE VELA ESTER

KING V

LIZA MARIE ABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with