^

Metro

Presyo ng petrolyo tumaas na naman

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muli na namang tumaas ang presyo ng petrolyo sa bansa nang magsagawa ng panibagong oil price hike ang mga kompanya ng la­ ngis kahapon ng umaga.

Dakong alas-6 ng umaga nang sabay-sabay na magtaas ang Pilipinas Shell, Chevron Philippines, at Total Oil Corp. ng P1.15 kada litro ng premium at unlea­ded gasoline at P1.30 kada litro ng regular na gasolina.

Itinaas rin ng mga ito ang presyo ng diesel at kerosene ng P.50 sentimos kada litro.

Nagsagawa rin ng price increase ang small player na Eastern Petroleum ngunit mas mababa na P1.00 kada litro ang presyo ng gasolina ang iniakyat habang kahalintulad na P0.50 kada litro rin para sa diesel.

Muli namang binanatan ng grupong Bagong Alyan­sang Makabayan (Bayan) ang mga kompanya ng la­ngis dahil sa wala namang ba­ tayan ang panibagong pag­ tataas.

Puro espekulasyon lamang umano sa presyo sa internasyunal na merkado ang ginagawang dahilan ng mga kumpanya ng langis at hindi naman talaga ang tunay na presyo sa pandaigdigang pa­milihan.

BAGONG ALYAN

BAYAN

CHEVRON PHILIPPINES

DAKONG

EASTERN PETROLEUM

MULI

PILIPINAS SHELL

SHY

TOTAL OIL CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with