^

Metro

2 ginang pumatol sa away-bata: 1 patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang makaraang masaksak ng kanyang kapitbahay na isa ring ina nang ipagpatuloy ng da­lawa ang away ng kani-kanilang mga anak, kahapon ng umaga­ sa Las Piñas City.

Nasawi habang nilala­pa­tan ng lunas sa Las Piñas General Hospital and Trauma Center dahil sa saksak sa tiyan ang biktimang si Di­vina Tebla, 21, ng Mateos Compound, Brgy. Pulang Lupa Uno, ng naturang lungsod.

Sumuko naman sa rumes­pondeng mga barangay tanod ang 24-anyos na suspek na si Joan Ito, nakatira sa katabing silid lamang ng biktima.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-10 ng umaga nang unang mag-away ang mga paslit na anak ng dalawang ginang.

Naghihiwa ng ilulutong ulam si Ito nang komprontahin umano siya ng biktima at pinaratangan na kinukun­sinti ang kanyang anak sa pang-aaway sa kanyang anak hanggang humantong ang komprontasyon sa mainitang pagtatalo. Pinalo umano ni Tebla ng bakal na takip ng kaldero sa ulo si Ito na gumanti naman nang saksakin nito ang da­ting kaibigan. Si­nabi ni Ito na hindi umano niya sinasadya ang pananaksak kay Tebla dahil sa nabigla lamang umano siya nang unang atakihin ng kapitbahay.

Nakatidine ngayon si Ito sa Las Piñas detention cell at nahaharap sa kasong ho­ micide.

vuukle comment

CITY PO

GENERAL HOSPITAL AND TRAUMA CENTER

JOAN ITO

LAS PI

MATEOS COMPOUND

PULANG LUPA UNO

SHY

TEBLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with