^

Metro

SUV nagliyab sa kalye

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang sports utility vehicle ang nagliyab habang binabagtas ang kahabaan ng Kamias Road sa lungsod Quezon, kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat, umusok muna bago tuluyang nagliyab ang Ford Escape 2004 model (XPE-861) na minamaneho ng isang Ariel David habang tinatahak ang kanto ng Kalayaan Avenue at Kamias Road ganap na ala-1:40 ng hapon.

Ayon kay David, nakatakda sanang ihatid niya sa bahay ng may-ari nito na si Dr. Ri­chard­­­ Inocencio sa may Tomas Morato ang sasakyan matapos kunin sa isang talyer sa Marikina subalit bigla itong nagliyab.

Maagap namang nakalabas ng naturang kotse si David kung kaya nakaligtas ito sa posibleng pagkakasunog.

Mabilis na naapula ang sunog sa tulong ng ilang residente na nagpahiram ng fire extiguisher­.

Hinala ng BFP, posibleng sa wiring ng sasakyan nagsimula ang apoy habang inaalam ang pinag-ugatan nito.

ARIEL DAVID

AYON

DR. RI

FORD ESCAPE

HINALA

INOCENCIO

ISANG

KALAYAAN AVENUE

KAMIAS ROAD

TOMAS MORATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with