^

Metro

MPD Station 3 chief, 10 pa pinasisibak

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nasa hot water ngayon ang hepe ng Manila Police­ District (MPD) Station 3 na si Supt. James Afalla at 10 pang tauhan nito na sinasabing dawit sa pagdukot sa apat na Koreano at pagtatanim ng marijuana sa mga ito kapalit ng mala­king halaga sa Maynila.

Kasabay nito, pinabu­buwag na ni Manila Mayor A­lfredo Lim ang Station Anti-Illegal Drugs sa bawat istasyon bunsod na rin ng ginawa ng mga pulis.

Ayon kay Lim, pinaiim­bestigahan niya si Afalla upang malaman ang kina­laman nito sa ilegal na operas­yon ng kanyang mga tauhan na apat pa la­mang dito ang kinilalang sina Sr. Insp. Glenn Gonzales, PO2 Jolly Alia­ngan, PO2 Ri­chard Siba­yan at PO1 George Borabo na naka­talaga sa Station Anti-Illegal Drugs.

Idinadawit din ang dalawang tourist guide na sina Choi Jang Tae at Gi Il Bang alyas “Tom” na sangkot sa pagdukot kina Kim Youn Ho, Lee Byung Soup, Nam Sang Jik at Do Wa Kuk.

Nakilala sina Gonza­ les, Aliangan, Sibayan at Borabo sa pamamagitan ng CCTV ng Diamond Hotel.

Batay sa report, alas-10 ng umaga ng Pebrero 14 nang maganap ang pagdukot sa mga biktima sa labas ng nabanggit na hotel. Naghihintay ng kanilang pag-alis ang apat na biktima nang hikayatin ang mga ito ni Choi na maglakad-lakad sa labas ng hotel.

Dito ay biglang luma­bas ng sasakyan ang tat­long ka­lalakihan na armado ng mga baril at sapilitang pinasakay at dinala sa MPD Station 3 ang mga dayuhan kung saan sinabihan ang mga ito na ina­resto sila sa kasong pagdadala ng marijuana.

Agad na sinabihan ang mga biktima na magbayad ng $30,000 para sa kanilang kalayaan.

Muling sinakay sa sa­sakyan sina Lee, Nam at Do ha­bang naiwan sa po­lice sta­tion si Kim. Nag­ka­roon ng negosas­yon su­­­­ balit nabigo ang mga pulis.

Dahil dito, bumalik sa police station ang mga biktima at suspect kung saan inu­tu­san ang mga biktima na humingi ng tig-$6,000 sa kani-kanilang pamilya hanggang sa makakuha ng $24,000 at tuluyan nang pinalaya ang mga biktima.

Matapos ito ay agad na nagtungo sa Korean Embassy ang mga biktima at inireport ang kanilang sinapit. Dito na nagsagawa ng imbestiga­syon kung saan positibong itinuro ng mga biktima na dinala sila sa MPD-Station 3.

Nahaharap ang mga ito sa abduction, extortion at   planting of evidence ang mga sangkot na pulis.

BIKTIMA

CHOI JANG TAE

DIAMOND HOTEL

DITO

DO WA KUK

GEORGE BORABO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with