Traffic enforcer ginulpi ng drag racing group
MANILA, Philippines - Mistulang napisak ang mukha ng isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority makaraang gulpihin ng drag racing group sa Macapagal Avenue sa Pasay City kahapon ng madaling araw.
Naisugod naman sa Pasay General Hospital ang biktimang si Raul Reoteres na nagtamo ng mga galos at sugat sa ulo at katawan, habang bineberipika ang mga pagkakakilanlan ng mga suspek na sinasabing lango sa bawal na droga.
Sa report na natanggap ni MMDA Chairman Francis Tolentino, dakong alas-2 ng madaling araw nang sitahin ng biktima ang grupo ng kalalakihan na nagkakarera sa Macapagal Avenue, Pasay City.
Sa halip na tumigil sa drag racing ay kinuyog at ginulpi ng grupo ang biktima kung saan lupasay na inabandona.
- Latest
- Trending