^

Metro

Salvage victim natagpuang hubo't-hubad sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hubo’t-hubad ang katawan, nakagapos ng nylon cord ang paa’t kamay at may tama ng saksak sa buong katawan nang ma­tagpuan ang isang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki habang nakasilid sa isang garbage bag na na­babalutan ng packaging tape sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay PO1 Alvin Qui­sumbing ng Criminal Investigation and Detection Unit, karumal-dumal ang ginawang pagpatay sa hindi pa nakikilalang biktimang inilarawan sa edad na 40 hanggang 45 at may taas na 5’7, may mga tattoo sa katawan na “Jovie”, “Kit Jimi”, “Diego Dasma” at “Sputnik-boy”.

Sa ulat ni Quisumbing, natagpuan ang bangkay ng biktima sa may kahabaan ng Upsilon Drive sa South Zusua­regui, Old Balara, ganap na alas-6:00 ng umaga. 

Sinasabing isang Vicente­ Caro na naglalakad sa na­turang lugar ang nakapansin sa isang kulay itim na garbage bag na naka­ tambak sa madamong bahagi ng nasabing lugar at dala ng kuryusidad ay nilapitan niya ito kung saan tumambad sa kanya ang bangkay ng biktima.

Sa pagsisiyasat, ang biktima ay nagtamo ng mga sugat sa leeg na indikasyon na sinakal ito at mga tama ng saksak ng icepick sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kanyang ikinamatay.

vuukle comment

ALVIN QUI

AYON

CARO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DIEGO DASMA

KIT JIMI

OLD BALARA

SHY

SOUTH ZUSUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with