^

Metro

Dalaga, tigok sa nilagok na silver cleaner

-

MANILA, Philippines - Bunsod nang labis na kalungkutan dahil sa umano’y paghihiwalay ng kaniyang mga magulang kaya nagawang magpakamatay ng isang 23-anyos na dalaga sa pama­ma­gitan nang paglagok ng silver cleaner sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Jessica Rosario, service crew sa isang fastfood chain at residente ng San Agustin St., Sampaloc, Manila.

Sa inisyal na ulat, nabatid na ang pagpapakamatay ng biktima ay naganap dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng bahay ng kapatid nito sa Phase 1, Caliwag St., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Pansamantalang nakitira ang nasawi sa kapatid nito simula nang maghiwalay ang kanilang mga magulang na labis umano nitong dinamdam.

Gigisingin sana ng kaniyang kapatid ang biktima para kumain ng hapunan pero na­gulat ito nang makitang bumubula na ang bibig ng biktima at wala nang buhay.

Nakuha sa tabi ng dalaga ang isang bote ng hinihinalang silver cleaner na pinaniniwalaang tinungga nito.

Narekober din ng pulisya sa tabi ng bang­kay ng biktima ang isang cellphone na naglalaman ng mga hinanakit nito sa buhay dahil sa paghihiwalay umano ng kanilang mga magulang.

Samantala, isang 23-na lalaki ang nag­baril naman sa sarili matapos nitong hindi matanggap na hihiwalayan na siya ng kanyang kinakasama kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang nasawi na si Oscar Rosio, ng Salmon St., Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala sa dibdib buhat sa isang sumpak.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nabatid, na kinausap ng biktima ang kinakasama nitong si Mary Jane Dela Cruz dahil sa nais ng makipaghiwalay ng babae dito hanggang sa nagalit ang biktima at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Dakong alas-9:45 ng gabi ay kumuha ng sumpak ang biktima dahil sa hindi nito matanggap ang pakikipaghiwalay ng kina­ka­ sama, saka binaril nito ang sarili. (Mer Layson at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BIKTIMA

CALIWAG ST.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JESSICA ROSARIO

LORDETH BONILLA

MARY JANE DELA CRUZ

OSCAR ROSIO

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with