MANILA, Philippines - Na
sabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang P25 milyong halaga ng smuggled items na kinabibilangan ng gulong ng motorsiklo at bisikleta.Ayon kay BOC Commissioner Ruffy Biazon, tinangka umanong ipasok ng importer na Royal Halo Enterprises ang may 36,000 bicycle tires at tire flaps mula sa China na tinatayang aabot naman sa halagang P22 milyon.
Kasabay nito, nasabat din sa Cimberly Enterprises, ang Suzuki station wagon, tatlong Honda motorcycles at Yamaha scooter na idineklarang mini-tractors, grass cutters, compressors, motorbike parts at gasoline engines.
Ang mga kargamento ay dumating sa bansa noong Oktubre at nadiskubre sa X-Ray project ng BOC.
Giit naman ni BOC X-Ray Project head Lourdes Mangaoang na mas dapat na ideklara ng mga importer ang kanilang mga shipment dahil mas malaki ang nawawala sa mga ito sa misdeclaration.
Pinakakasuhan naman ni Biazon ang mga sangkot sa illegal importations.