^

Metro

P25-M smuggled na motorsiklo, gulong nasabat ng BOC

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Na

sabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang P25 milyong halaga ng smuggled items na kinabibilangan ng gulong ng motorsiklo at bisikleta.

Ayon kay BOC Commissioner Ruffy Biazon, tinangka umanong ipasok ng importer na Royal Halo Enterprises ang may 36,000 bicycle tires at tire flaps mula sa China na tinatayang aabot naman sa halagang P22 milyon.

Kasabay nito, nasabat din sa Cimberly Enterprises, ang Suzuki station wagon, tatlong Honda motorcycles at Yamaha scooter na idineklarang mini-tractors, grass cutters, compressors, motorbike parts at gasoline engines.

Ang mga kargamento ay dumating sa bansa noong Oktubre at nadiskubre sa X-Ray project ng BOC.

Giit naman ni BOC X-Ray Project head Lourdes Ma­ngaoang­ na mas dapat na ideklara ng mga importer ang kanilang mga shipment dahil mas malaki ang nawawala sa mga ito sa misdeclaration.

Pinakakasuhan naman ni Biazon ang mga sangkot sa illegal importations.

AYON

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CIMBERLY ENTERPRISES

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

GIIT

LOURDES MA

ROYAL HALO ENTERPRISES

X-RAY PROJECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with