Kelot binistay ng bala ng tandem
MANILA, Philippines - Patay ang isang 36-anyos na lalaki makaraang bistayin ng bala ng riding in
tandem suspect habang ang una ay nagwawalis sa harap ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.Si Saturnino Badaos, ay nagawa pang maitakbo sa Malvar General hospital, ngu nit nasawi rin dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala sa katawan, ayon kay PO2 Jogene Hernandez.
Isinalarawan naman ni Rosanna Badaos, kapatid ng biktima, ang mga suspect sa edad na 40-45 anyos, may taas na 5’7-58, katamtaman ang pangangatawan at maitim ang balat.
Nangyari ang pamamaril sa biktima ganap na alas-4 ng hapon sa harap ng bahay nito sa Brgy. Holy Spirit sa lungsod.
Ayon kay Rosanna, nagwawalis umano ang kanyang kapatid sa harap ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang isang armadong suspect at pinagbabaril ito.
Matapos ang pamamaril ay agad na sumakay ang gunman sa motorsiklo na binabantayan naman ng isa pang suspect saka tumakas patungong Commonwealth Avenue. Inaalam pa ng CIDU ang motibo sa naturang pamamaril.
- Latest
- Trending