^

Metro

Reklamo vs ex-congressman sa Ombudsman umuusad

-

MANILA, Philippines - Naniniwala ang isang magsasaka buhat sa Taguig na tuluyan nang mabibigyang pansin ang kanilang hinaing laban sa isang dating associate justice ng Supreme Court na naging kongresista na sinasabing ipinamahagi ang kanilang lupain sa ibang taong hindi naman magsasaka.

Ayon sa magsasakang si Jovitto Olazo na una nang nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban sa dating Supreme Court associate justice na natutuwa siya at umuusad na ang kanyang reklamo.

Ito’y matapos na atasan ng Ombudsman ang da­ting mahistrado na maghain ng counter affidavit kung saan umaasa ito na mabibigyan ng prayoridad ang kanyang reklamo.

“Umupo po siya bilang miyembro ng Committee on Awards na namamahagi ng mga lupa sa bisa ng Proclamation Nos. 2476 at 172,” pahayag ng magsasaka.

“Ang mga lupang ito na sakop ng Lower Bicutan, Western Bicutan at Signal Village sa Taguig ay inilaan ng batas para sa mga magsasaka at residente ng mga barangay na ito,” dagdag pa ni Olazo.

Subalit ang kinalabasan ay sinasabing sa ka­mag-anak ng dating mahistrado na hindi na­man mga mag­sasaka napunta ang lupain na dapat sana ay sa pamilya­ Olazo at iba pang residente.

AYON

JOVITTO OLAZO

LOWER BICUTAN

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OLAZO

PROCLAMATION NOS

SIGNAL VILLAGE

SUPREME COURT

TAGUIG

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with