^

Metro

663 riders huli sa motorcycle lane sa Edsa

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasa 663 motorcycle riders­ ang buwenamanong na­huli ng mga tauhan ng Me­tropolitan Manila Deve­ lopment Authority (MMDA) sa unang araw ng implemen­tasyon ng motorcycle lane sa kahabaang EDSA kahapon.

Hindi pa naman pinag­multa ng P500 ang mga na­­­huling riders ngunit isinailalim ang mga ito sa 15-minutong seminar sa road safety sa may Roxas­ Boulevard, Orense sa Ma­kati City, White Plains at Timog sa Quezon City kung saan dini­kitan ng stickers ang kanilang mga motorsiklo na nakasaad na “Certified Motorcycle Riders­” at “Disiplinado Ako”.

Nabatid na isang linggo munang isasagawa ang “dry run” sa EDSA bago regular na ipatupad sa susunod na linggo. Pinakamaraming nahuli ang MMDA sa may Ge­neral Simon na may pinarang 385 motorcycle rider, 95 sa Roxas­ Boulevard, 80 sa White Plains, 72 sa Orense at 31 sa Timog.

Itinalaga ng MMDA ang ikaapat na lane bilang motorcycle lane na pininturahan ng kulay asul at nilagyan ng markang “Motorsiklo Lane”. 

Inirereklamo naman ito ng mga nakamotor dahil sa naipit na naman ito sa pagitan ng dalawang lane ng mga pribadong sasakyan habang makikihati rin sila sa ibang behikulo sa motorsiklo lane.

Sa reklamo ngayon na kumakalat sa mga motorcycle threads sa internet, mas delikado sa mga nakamotorsiklo ang pakikihati sa iisang lane sa mga mas malalaking pribadong behikulo. Pabor sana ang mga motorcycle riders sa motorcycle lane kung ekslusibo lamang ang isang lane sa motorsiklo.

Umapela naman si MMDA Chairman Francis Tolentino sa ibang mga driver ng mga pribadong behikulo na respetuhin ang mga nakamotorsiklo sa naturang lane upang makaiwas sa mga aksidente.

CERTIFIED MOTORCYCLE RIDERS

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DISIPLINADO AKO

LANE

MANILA DEVE

MOTORCYCLE

MOTORSIKLO LANE

SHY

WHITE PLAINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with