^

Metro

Misis binoga sa ulo, patay

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon­ ang mga tauhan ng Manila Police District-Homicide sec­tion sa pagkamatay ng isang 28-anyos na misis na binaril sa sentido kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.        

Kinilala ang biktimang si Gloria Akim, 28, ng H.M. Ad­riatico St., Malate, Maynila.

Isang follow-up operation naman ang ginagawa ng pulisya upang matukoy ang mga suspect na mabilis na tumakas gamit ang isang hindi naplakahang motorsiklo.

Ayon sa report, dakong alas-11:20 ng gabi nang ba­ri­lin ang biktima sa Alley 5, Brgy. 704, Zone 77, Malate Maynila habang bumibili ng sabon.

Agad na nilapitan ito ng mga suspect at basta na lamang pinaputukan.

Dinala naman sa St. Yvan Funeral Parlor ang bangkay ng biktima para sa awtopsiya habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

AYON

BRGY

DINALA

GLORIA AKIM

ISANG

MALATE MAYNILA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

MAYNILA

ST. YVAN FUNERAL PARLOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with