^

Metro

Rider dedo sa dump truck

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider ma­­tapos na sumemplang sa ma­dulas na kalsada bago tuluyang mabundol ng isang dump truck sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Christian Cando, 27, ng Heroes del 96, DM Compound, Caloocan City. Kusa namang sumuko ang driver ng truck na si Da­nilo Caudin, 36, ng Brgy. Ba­bosalan, Porac Pampanga. Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Edsa Northbound lane, partikular sa harap ng Caltex Gas Station, ganap na alas-12:30 ng madaling-araw.

Bago ito, kapwa binabay­bay ng Honda XRM mo­­tor­cycle (4492-NN) ni Cando at Isuzu dump truck (RJK-278) na minamaneho ni Cau­din ang lugar ng dumulas ang una at sumadsad sa kalsada­. Dala ng mabilis na impact, tumilapon mula sa mo­torsiklo si Cando saka ti­namaan ng paparating na truck. Dahil dito, nagtamo ng matinding tama sa katawan ang biktima sanhi ng agaran nitong kamatayan.

BRGY

CALOOCAN CITY

CALTEX GAS STATION

CANDO

CAU

CAUDIN

CHRISTIAN CANDO

EDSA NORTHBOUND

PORAC PAMPANGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with