^

Metro

Negosyante binoga sa ulo, patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyante makaraang barilin sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng kanyang pinatatakbong karinderya, kahapon ng madaling araw sa Pasay City. Naisugod pa sa Pasay City General Hospital ngunit binawian din ng buhay ang 43-anyos na si Reynaldo De Asis, Jr., ng Saint Catherine St., Brgy. Maricaban sanhi ng tinamong isang tama ng bala sa ulo ng kalibre .45 baril.

Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen. Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa karinderya ng biktima sa loob ng Green Market sa may Taft Avenue, malapit sa kanto ng Protacio St.

Kabubukas pa lamang ng karinderya ni De Asis nang makarinig ng isang putok ng baril sa naturang lugar. Nang puntahan ng kanyang misis na si Theresita, dito nakita ang duguang biktima na agad na isinugod sa pagamutan. Blangko naman ang mga imbestigador sa motibo ng naturang pamamaslang dahil maging ang misis ng biktima ay walang alam na kaaway nito.  

vuukle comment

BLANGKO

DE ASIS

GREEN MARKET

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

PROTACIO ST.

REYNALDO DE ASIS

SAINT CATHERINE ST.

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with