^

Metro

Call center agent na-sandwich ng 2 bus, utas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 26-anyos na call cen­­ter agent ang nasawi ma­ka­raang maipit sa dalawang dam­buhalang bus ma­tapos mahulog habang siya ay papasakay sa isa sa mga ito sa lungsod Quezon, ini­ulat kahapon.

Ayon kay SPO4 Henry Se ng Traffic Sector 3 ng Quezon City Police District, nakilala ang biktima na si Calixtro Phil Gualdrapa, ng Block 9 Lot 8 C1 Francisco­ Homes, San Jose Del Monte­, Bulacan.

Si Gualdrapa ay naipit sa pagitan ng Malanday Me­t­rolink bus (TWM-162) at RBM Grand Rally Transit bus (UVB-133) na naganap sa kahabaan ng north-bound lane ng EDSA malapit sa Gen. Roxas Avenue sa Cubao, ganap na alas-3:15 ng madaling araw.

Sinabi ni Se, nangyari ang insidente sa ilang metro­ ang layo sa inilaang bus loading bays. Nabatid na ang biktima ay sumakay sa hulihang pintuan ng RBM bus na mina­­ma­n­eho ng isang Melenio Agota, nang mangyari ang insidente.

Tinangka umano ng RBM na mag-overtake sa Malanday bus na minamaneho ni Romeo Sarmiento, 36, na huminto sandali sa harapan niya habang ang biktima ay papasakay pa lamang.

Nang ang RBM bus ay umandar ng matulin sa kaliwang tabi ng Malanday bus, si Gualdrapa, na papasok pa lamang sa pintuan ay su­mabit ang strap ng bag nito sa Malanday bus.

Dahil dito, nakaladkad ang biktima papalabas ng pintuan saka naipit ang katawan nito sa dalawang mga bus na nagresulta sa matin­ding pinsala ng kanyang ka­tawan.

Nagawa pang mai-rescue ng mga taga-Metropolitan Ma­nila Development Autho­rity (MMDA) ang biktima at itinakbo sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) pero idineklara din itong dead-on-arrival.

Ang driver ng Malanday­ Metrolink bus na si Sar­miento­ ay nasa kustodiya na ng pu­lisya habang hinihintay pa ang paglutang ng driver naman ng RBM bus, na si Agota na mabilis na nawala sa lugar makaraan ang insidente.

Ayon pa kay Se, kapwa na­haharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang dalawang dri­ver ng bus dahil sa insi­dente. 

vuukle comment

AYON

BUS

CALIXTRO PHIL GUALDRAPA

DEVELOPMENT AUTHO

GRAND RALLY TRANSIT

MALANDAY

MALANDAY ME

MELENIO AGOTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with