^

Metro

2 parak nanapak, inireklamo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dumulog kahapon sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section ang dalawang customer ng isang bar, upang ireklamo ang dalawang umano’y miyembro ng Phi­lip­pine National Police (PNP) na nanutok ng baril at nanapak sa kanila, sa Malate, Maynila kahapon ng umaga.

Sa report ni PO2 Gilbert Isole, nakatakdang kilalanin ngayon nina Don Galimba, 24, at Manuel Cantil, 26, kapwa residente ng no. 584-S Quirino Ave., Malate, Maynila, ang dalawang pulis­ na kanilang nakaalitan dakong alas-7 ng umaga kahapon sa harap ng Ermas Bar sa Adriatico St. Malate. Nakasibilyan umano ang dalawang nagpakilalang pulis.

Nag-iinuman umano ang grupo ng biktima sa isang lamesa at sa kabilang lamesa naman ang grupo ng dalawang nagpa­kilalang mga pulis at nagkatinginan.

Nang magkita sa labas ng bar ay kinompronta umano sila ng dalawang suspect na napopormahan umano sa kanila. Tinutukan umano ng baril si Galimba sa beywang at si Cantil naman ay sinapak ng isa pang suspect.

Upang makilala ang mga inirereklamo, makikipag-ugnayan ang MPD-GAS sa nasabing bar, dahil ayon sa mga biktima, regular na mga customer din sa bar ang dalawang suspect.

vuukle comment

ADRIATICO ST. MALATE

DALAWANG

DON GALIMBA

ERMAS BAR

GILBERT ISOLE

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MANUEL CANTIL

MAYNILA

NATIONAL POLICE

S QUIRINO AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with