Menor de edad bawal sa motel
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric de Guzman ang mga mamamahala ng motel sa lungsod hinggil sa pagbabawal sa pagpapapasok ng mga menor de edad.
Ayon kay De Guzman, kailangan na ipatupad ng mga motels ang kanilang regulasyon at higpitan ang kanilang pagbabantay upang maiwasan na makapasok ang mga menor de edad kasabay ng pagdiriwang ng Valentines Day bukas.
Sinabi ni de Guzman na mahigpit ang batas na nagbabawal sa mga menor de edad sa pangamba na humantong ito sa prostitution. Posibleng matanggalan ng business permit at tuluyan nang mapasara ang mga motels na mahuhuling tumatanggap ng mga menor de edad.
Dapat umanong maging mapagmasid ang mga guwardiya at administrador upang masiguro na mga nasa legal na edad ang magche-check in. Dagdag pa ni de Guzman, hindi rin pinapayagan ang short time.
- Latest
- Trending