7 timbog sa droga
MANILA, Philippines - Pitong katao ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 7, sa loob lamang ng isang linggo kaugnay ng iligal na droga sa iba’t ibang lugar sa Tondo, Maynila.
Kinilala ni MPD-station 7 chief, Supt. Roderick Mariano ang mga dinakip na sina Marvin Rubio alyas “Putong”, 30, ng no. 460 Hermosa st,, Tondo, may nakabinbing din warrant of arrest dito kaugnay sa kasong Illegal Possesion of Firearms; Virgilio Garcia, alyas “Bobot”, 54, ng no. 2941 Juan Luna St., Tondo; Rolando Dacanay alyas “Roland”, 21, ng no, 411 Pilapil St., Tondo; Carlos Flores alyas “Alo/Charlie”, 42, ng no. 2553 F. Huertas St., Sta. Cruz, Maynila.
Bukod sa kasong droga, natukoy din ito na sangkot sa pagpatay sa isang Sherwin Enriquez residente ng no.526 M. Hizon St., Sta. Cruz, Maynila nang positibong kilalanin ng ina ni Flores, kaugnay sa pamamaslang sa anak noong Agosto 16, 2011, sa tapat ng kanilang bahay. Siya ay ipinaghaharap din ng kasong murder.
Arestado din sina Djastin Lopez alyas “DJ”, 19, ng no. 91 Int.12 Morong St., Tondo, Manila at Reynaldo Torres, 35 ng Pavia St., Tondo, sa panulukan ng J. Luna at Pavia Sts., sa Tondo. Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspect.
Ayon kay Mariano, agad siyang nakipag-ugnayan sa barangay hinggil sa problema sa iligal na droga at isinagawa ang operasyon sa pangunguna ni Insp. Romeo Rosini, bilang bagong hepe ng SAID. (Doris Franche at Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending