^

Metro

Tanod, holdaper todas sa shootout

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang barangay tanod at holdaper ang patay habang isa ang malubhang nasugatan sa madugong engkuwentro matapos ang panghoholdap sa isang pampasaherong jeep sa lungsod Quezon kahapon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang nasawing tanod na si Elmer Alfonso, 43, ng No. 48-G, Brgy. Balonbato, at ang sugatang si Bernadette Alvarado, 19, estudyante ng no. 224 Amethyst St., Greenheights, Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Samantala, wala namang pagkakakilanlan ang nasa­ wing suspect na isinalarawan lamang sa edad na 40-45, may taas na 5’4, nakasuot ng kulay green na t-shirt, at brown na pants.

Ayon kay SPO1 Jhonny Mahilum, may-hawak ng kaso, si Alfonso ay binaril ng mga suspect matapos rumesponde sa panghoholdap ng mga suspect sa isang pampasaherong jeepney sa may kahabaan ng Quirino Highway, Brgy. Balon­bato ganap na alas 11:30 ng gabi.

Habang si Alvarado naman ay nasugatan matapos na ba­­ rilin ng mga suspect ma­ka­raang pumalag umano sa mga huli habang kinukuha ang kanyang gamit.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na naganap ang insidente ha­­bang sakay ng pampasaherong jeepney (DHW-467) na minamaneho ni Edward Borjal ang biktimang si Alvarado.

Ilang sandali ay sumakay ang anim na kalalakihan na nagkunwaring pasahero at pagsapit sa may harap ng Gasoline Station sa Quirino Highway ay biglang naglabas ang mga ito ng baril at nagdeklara ng holdap.

Nang kukunin ng mga suspect ang bag ni Alvarado ay pumalag umano ito kung kaya napilitan siyang barilin ng isa sa mga suspect, saka nagsipagbabaan at sumakay sa dalawang motorsiklo papatakas.

Ang nasabing insidente ay nakarating sa kaalaman ng mga nagpapatrulyang ba­ran­gay officials kabilang si Alfonso at hinabol ang mga suspect, ngunit pinaputukan sila ng mga huli sanhi para tamaan ito.

Agad namang nakahingi ng responde ang mga barangay officials sa mga operatiba ng Police Station 3 at hinabol ang mga suspect kung saan naabutan nila ang mga huli sa Dimaano compound sa Balon­bato na naging ugat  para magkaroon ng engkwentro at masawi ang isa sa mga suspect.

Dead on arrival si Alfonso sa Manila Central University hospital habang si Alvarado naman ay ginamot sa Bernardino Hospital.

Narekober sa lugar ang isang kalibre 38 baril at isang Kawasaki, maging ang basyo ng mga bala nito.

ALVARADO

AMETHYST ST.

BERNADETTE ALVARADO

BERNARDINO HOSPITAL

BRGY

QUIRINO HIGHWAY

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with