^

Metro

Police asset, itinumba ng 'tulak'

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang kawani ng Makati City Hall na sinasabing isa ring police asset ang pinagbabaril at napatay ng dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang ‘tulak’ sa droga matapos ‘inguso’ ng biktima ang mga suspek sa Makati City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Marlo Arao, 39, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, pansamantala munang hindi pinabanggit ang pangalan ng mga suspek dahil nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Makati City Police para sa agarang pagdakip sa mga ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SP01 Jayson David, ng Station Investigation Division (SID), Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng umaga sa panulukan ng Yellowbell at Mansanas Sts. Brgy. Pembo ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na naglalaro ng dice ang biktima, kasama ang ilang kaibigan nang biglang sumulpot ang gang ng mga suspek na armado ng baril at saka pinagbabaril ang biktima.

Nabatid sa report na ang biktima ay drug informant at ang mga suspek naman ay tulak ng droga.   

vuukle comment

BRGY

JAYSON DAVID

MAKATI CITY

MAKATI CITY HALL

MAKATI CITY POLICE

MANSANAS STS

MARLO ARAO

NABATID

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with