Popcorn vendor binoga sa ulo
MANILA, Philippines - Dead on the spot ang 42-anyos na popcorn vendor nang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Wala pang nakuhang impormasyon ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan sa gunman at motibo sa pamamaril sa biktimang si Vivencio Lamogdang Jr., at residente ng Block 7, Bagong Lupa, Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa isang playground sa Baseco compound, Port Area habang nagtitinda ng popcorn ang biktima nang lapitan ng isang lalaki at walang sabi-sabing binaril sa ulo.
Mabilis na tumakas ang suspect habang narekober sa pinangyarihan ng insidente ang basyo ng kalibre 45 na ginamit sa pamamaril.
- Latest
- Trending