^

Metro

2 holdaper bulagta sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang hi­nihinalang holdaper nang maka-engkwentro ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng mada­ling-araw.

Inilarawan ang mga nasawi na kapwa nasa gulang na 18-20-anyos. Isa ay may taas na 5’3, nakasuot ng itim na t-shirt at maong shortpants, tsinelas at armado ng kalibre .38 baril.

Ang ikalawa ay 5’4 ang taas, nakasuot ng kulay itim na t-shirt, maong pants at armado umano ng kalibre .22 magnum na baril.

Sa sinumpaang salaysay ng taxi driver na si Regente Osalla, 36, ng Sta. Ana, Maynila, bandang alas-2:30 ng madaling araw ng sumakay sa kanyang taxi ang dalawang suspect sa bahagi ng Mandaluyong at nagpahatid sa San Andres Bukid, Maynila.

Nang nasa bahagi na ng Lambingan bridge, sa New Panaderos St. Sta. Ana, Maynila ay bigla siyang tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap. Isa sa suspect ang kumuha sa kaniyang wallet­ na naglalaman ng P1,740 at lisen­siya at mabilis na bumaba.

Nagmadali namang du­mulog ang biktima sa pulisya na agad nagresponde. Sa panulukan ng Isabel St. sa Sta. Ana, namataan ni Osalla na naglalakad ang da­ lawang suspect pasalubong sa kanilang direksiyon at nang ma­mataan ng mga ito ang pulis ay doon na nagpaputok ng baril. Gumanti naman ang mga pulis na ikinasawi ng dalawa­.

vuukle comment

BULAGTA

GUMANTI

ISA

ISABEL ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NEW PANADEROS ST. STA

REGENTE OSALLA

SAN ANDRES BUKID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with