^

Metro

Sumaksak sa mag-iina sa Caloocan, arestado

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nadakip na ng mga ta­uhan ng Caloocan City police ang suspect sa pagpaslang sa isang ginang at pagsugat sa tatlong anak nito kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Nakakulong ngayon sa Caloocan City Police detention cell ang suspek na si Ivan Lou Climaco, 28, ng Libis Reparo St., Baesa, Brgy. 161 ng na­sabing lungsod.

Si Climaco ay itinuturong sangkot sa pananaksak sa mag-iinang sina Ana Aguilio, 46, at mga anak na sina Justine Anne, 15; Arvin John, 13; at Alfer John, 11.

Nasawi sa insidente ang ginang, habang malubhang nasugatan ang kanyang mga anak. Nabatid na pinasok ng suspect ang bahay ng mag-iina matapos na magtanim ito ng galit dahil sa pagsingil ng ginang sa utang nitong P200.

Ayon kay Sr. Supt. Jude Santos, hepe ng Caloocan City Police, dakong alas-7:45 kahapon ng umaga ay papatakas ang suspek na si Climaco sa boundary ng Camachili, Caloocan at Caloocan City at magtutungo ito sa isang probinsiya.

vuukle comment

ALFER JOHN

ANA AGUILIO

ARVIN JOHN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

IVAN LOU CLIMACO

JUDE SANTOS

JUSTINE ANNE

LIBIS REPARO ST.

SI CLIMACO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with