^

Metro

Mister nagbaril sa altar ng simbahan, patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tila humingi muna ng patawad bago tuluyang tinapos ng isang mister ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa harap mismo ng isang altar sa loob ng isang simbahan sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Si Gil Baniqued, 66, ay natagpuan na lamang naliligo sa sarili nitong dugo sa harap ng altar ng Holy Trinity Parish­ Church na matatagpuan sa kahabaan ng Chopin St., Ideal Subdivision, Capitol District sa lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Modestino Juanson ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, si Baniqued ay isa umanong retiradong US Veterans Affairs employee, residente ng Brgy. Commonwealth ay natagpuang walang buhay ng isang Elsa Flores, stay-in maintenance sa nasabing simbahan pasado alas-5 ng hapon.

Bago ito, nasa loob umano ng kanyang tinutuluyan si Flores nang makarinig siya ng isang putok ng baril mula sa loob ng simbahan.

Paglabas ni Flores ay doon tumambad sa kanya ang biktima na nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo sa harap mismo ng naturang altar.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 32 rebolbe at dalawang basyo ng bala.

Nagtamo ang biktima ng isang tama ng baril sa kanang sentido na naging sanhi ng kamatayan nito. May iniwan din umanong suicide note ang biktima na nagsasaad ng pag­hingi ng tawad sa kanyang asawa at mga anak.

BANIQUED

CAPITOL DISTRICT

CHOPIN ST.

ELSA FLORES

HOLY TRINITY PARISH

IDEAL SUBDIVISION

ISANG

MODESTINO JUANSON

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SI GIL BANIQUED

VETERANS AFFAIRS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with