^

Metro

Trike driver itinumba habang namamasada

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang patay makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin habang pumapasada sa lungsod Quezon, iniulat kahapon. Dead-on-the-spot sa lugar ang biktimang si Florencio Campo, 61, ng Pinagkaisa St., Brgy. Commonwealth sa lungsod. Blangko naman ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng salarin dahil wala man lamang sa mga residente ang gustong magsalita hinggil dito. Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Aloe Vera St., Brgy. Commonwealth ganap na alas-9:05 ng gabi. Ayon kay Mokein Pancoga, residente sa lugar, nasa loob siya ng kanyang bahay nang makarinig ng mga putok ng baril mula sa labas. Dahil dito, nagpasya si Pancoga na alamin ang pinagmulan ng putok at agad na lumabas ng kanyang bahay kung saan bumulaga sa kanyang harapan ang duguang katawan ni Campo na nakahandusay sa kanyang tricycle. Ayon sa pulisya, maaaring inabangan ng salarin ang biktima dahil kahahatid lamang umano nito sa kanyang pasahero ilang metro ang layo sa nasabing lugar­. Malabo rin anyang robbery ang motibo ng pamamaril dahil intact umano ang gamit nito sa kanyang katawan.  

vuukle comment

ALOE VERA ST.

AYON

BLANGKO

BRGY

DAHIL

FLORENCIO CAMPO

ISANG

KANYANG

MOKEIN PANCOGA

PINAGKAISA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with