^

Metro

2 dedo sa pamamaril sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 75-anyos na lolo at isang mister ang kapwa nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang mga biktima na sina Margarito Insaw, 75, biyudo, electrician, ng Filinvest Road, Batasan Hills, Quezon CIty; at si Erwin Alapad, 35, welder, ng Luzviminda Village, Batasan Hills, Quezon City. Ayon sa ulat ni SPO1 Gregorio Maramag, unang pinagbabaril ng mga suspect ang matandang si Insaw at sinunod lamang si Alapad matapos na tangkain nitong habulin ang mga tumakas na suspect.

Nangyari ang insidente sa tapat ng Jostar Dress Shop na matatagpuan sa Filinvest Road 1, Brgy. Batasan hills ganap na alas-10:30 ng gabi. Sinasabing nakaupo si Insaw sa nasabing shop nang biglang sumulpot ang mga suspect at pagbabarilin ito. Si Alapad naman na nasa loob ng isang junkshop malapit sa lugar ay nagpasyang lumabas nang marinig ang putok kung saan nakita niya ang mga suspek na papatakas.

Tinangkang habulin ni Alapad ang mga suspect, pero isa sa mga huli ang biglang nagbunot ng baril at pinaputukan din siya sa kaliwang bahagi ng katawan. Mabilis na nagsitakas ang mga suspect patungong Luzviminda Village. Kapwa dead-on-the-spot sa lugar ang dalawang biktima matapos na magtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 at kalibre 9mm na baril. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen, habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.  

ALAPAD

BATASAN HILLS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DRESS SHOP

ERWIN ALAPAD

FILINVEST ROAD

GREGORIO MARAMAG

LUZVIMINDA VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with