^

Metro

OFW binoga sa ulo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 30-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) nang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin habang naglalakad kasama ang misis sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Orlando Jaleco, ng Rosal Extn., IBP Road Brgy.Payatas, Quezon City.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang barilin ang biktima sa hara­pan ng isang bahay sa Labores St., Pandacan.

Nabatid na patungo ang biktima at misis na si Yvette upang dalawin ang biyenan sa naturang lugar nang bumili muna umano ng ulam sa isang tindahan. Dito biglang nilapitan ang biktima ng suspect at walang sabi-sabing pinaputukan sa ulo bago mabilis na tumakas.

Inaalam pa ang mo­tibo at pagkakakilanlan sa suspect.   

AYON

DITO

INAALAM

LABORES ST.

ORLANDO JALECO

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PANDACAN

QUEZON CITY

ROAD BRGY

ROSAL EXTN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with