^

Metro

Taxi driver na holdaper,gulpe-sarado sa karatistang pasahero

- Mer Layson, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagkamali ng kinatalo ang isang hinihinalang holdaper na nagpapanggap na taxi driver makaraang magulpe-de-gulat ito ng isa sa dalawang bebot na biniktima na isa palang karatista, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Bali ang tuhod at puno ng pasa sa katawan ang suspek na nakilalang si Rommel Rancho, 32, ng Brgy. Guitnang Bayan, San Mateo, Rizal. Isinugod pa ito sa Amang Rodri­guez Medical Center upang lapatan ng lunas sa tinamong pinsala sa katawan.

Bahagyang nasugatan naman sa kamao ang 23-anyos na si Me­lanie Natural, call center agent, na blackbelter pala sa karate. Kasama nitong nagreklamo sa Marikina City Police ang kasamahang call center agent rin na si Jamie Delas Armas, 23, kapwa residente ng naturang lungsod.

Sa salaysay ng dalawang biktima, sumakay sila sa Leysa taxi (TXT-594) na minamaneho ng suspek at nagpahatid sa kanilang bahay na Brgy. Parang, Marikina. Nang mapadako sa madilim na lugar, naglabas ng kalibre .38 paltik si Rancho at nagdeklara ng holdap.

Agad na kinuha ng suspek ang bag, pera at cellular phones ng dalawang babae. Nagmakaawa naman ang dalawang biktima na iwanan sila ng pamasahe para makasakay kahit ng jeep na pinagbigyan naman ng suspek.

Habang dumudukot ng pera, buong lakas na sinapak ni Natural ang mukha ni Rancho na muntik nang ma-knock-out at nabitiwan ang baril. Dito na nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang babae na gulpihin ng husto ang suspek hanggang sa makahingi ng tulong sa mga dumaraang tao sanhi upang madakip si Rancho.   

vuukle comment

AMANG RODRI

BRGY

GUITNANG BAYAN

JAMIE DELAS ARMAS

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MEDICAL CENTER

ROMMEL RANCHO

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with