^

Metro

UP student hinoldap, sinaksak sa loob ng campus

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang estudyante ng University of the Philip­pines (UP) Diliman ang nasa malubhang kalagayan matapos na umano’y saksakin ng isa sa dalawang holdaper sa loob mismo ng naturang unibersidad sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Lordie Camille Hina, 20, 4th year Political Science student at residente ng North Fairview Park sa lungsod.

Gayunman, isa sa mga suspect ang agad namang nadakip ng mga awtoridad at ito ay kinilalang si Carlo Pecayo, 35, binata, ng Karangalan Village, Pasig City, habang pinaghahanap naman ng awtoridad ang kasamahan nito na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa may Student Council Office (SCO) na matatagpuan sa Vinzons Hall sa UP Campus ganap na alas-3:30 ng hapon.

Diumano, pumasok ang mga suspect sa nasabing lugar at nagpanggap na mga tattoo­ artist at interisadong sumali sa darating na UP fair.

Agad umanong umalis ang mga suspect matapos na ibigay ni Hina ang contact number ng USC’s officer-in-charge para sa UP fair booths. Nang bumalik ang mga suspect sa lugar ay nag-iisa na si Hina kung saan naganap ang panghoholdap.

Ayon sa isang testigo, naabutan na lang niya si Hina na duguang nakahandusay sa sahig.

Agad na isinugod ang biktima sa UP Health Service para magamot hanggang sa ilipat na ito sa Capitol Medical Center.

Sinabi ng UP police, si Hina ay nagtamo ng saksak sa mukha buhat sa icepick at may tama rin ito sa ulo matapos pukpukin umano ng matigas na bagay ng mga suspect.

Samantala, sinasabing si Pecayo ay na­aresto habang papatakas sakay ng isang taxi. Narekober dito ang dalawang laptop computer ng biktima at isang icepick na ginamit sa panghoholdap.

Kasong frustrated homicide at robbery ang isinampa ng PS9 laban kay Pecayo sa piskalya sa lungsod.

vuukle comment

CAPITOL MEDICAL CENTER

CARLO PECAYO

HEALTH SERVICE

HINA

KARANGALAN VILLAGE

LORDIE CAMILLE HINA

NORTH FAIRVIEW PARK

PASIG CITY

PECAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with