^

Metro

Sekyu inaway ng misis, nagbaril sa sentido

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Patay ang isang security guard makaraang magbaril ito sa sarili ilang minuto makaraang makasagutan sa cellphone ang kanyang misis sa Marikina City kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Ormando Guzman, 51, ng Sitio Olandes, Brgy. Industrial Valley Complex ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na dakong alas-9:00 ng umaga nang makarinig ng putok ng baril ang ilang kapitbahay ng biktima at nang silipin ito sa kanyang kuwarto ay nakabulagta na at wala nang buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nag­kasagutan ang biktima at ang kanyang misis na hindi na tinukoy ang pangalan habang nag-uusap sa cellphone.

Matapos umanong mag-away ang mag-asawa ay nagkulong na ang biktima sa kuwarto at kinuha nito ang kanyang kalibre 38 baril saka ipinutok sa sentido.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa nasabing insidente para mabatid kung ano talaga ang tunay na dahilan ng ginawang pagpapakamatay ng biktima.

vuukle comment

BRGY

INDUSTRIAL VALLEY COMPLEX

KINILALA

MARIKINA CITY

MATAPOS

NABATID

NAGSASAGAWA

ORMANDO GUZMAN

PATAY

SITIO OLANDES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with