^

Metro

Robot na traffic enforcers, pinaiimbento

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hinamon ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang grupo ng mga batang “award winning in­ventors” na bumuo ng isang robot na traffic enforcer na kayang makatunog ng traffic violations.

Pinarangalan nitong nakaraang Lunes ng MMDA ang high school team ng Dr. Yanga Colleges, Inc. (DYCI) ng Bocaue, Bulacan makaraang makopo nito ang ikaapat na puwesto sa World Robot Olympiad sa Abu Dhabi nitong nakaraang Nobyembre 2011.

Ang kanilang imbensyon na robot na pinangalanang “MAGIS” ay kayang maka-detect ng pagbabaha, body temperature, blood pressure at iba pa. Kaya rin nitong makipaglaro at magpakita ng masaya at malungkot na emosyon.

Hinamon ni Tolentino ang mga bumubuo ng grupo na sina Romy Gimeno, Chelsea Morales, Alexandra Mae Guevarra, Claire Receli Renosa at coach Beryl Cruz na lumikha naman ng Robot Traffic Enforcer para sa ahensya­ na ilalagay nila sa mga istratehikong interseksyon sa Metro Manila.

Sinabi naman ni coach Cruz na kasalukuyang abala muna sila sa paglikha ng isang robot na may kakayahan naman­ na maka-detect ng “botcha” o “double dead” na karne na maaaring magamit ng mga awtoridad sa inspeksyo­n sa mga katayan at pamilihan.

Ngunit sa kabila nito, nangako pa rin si Cruz kay Tolentino na tutuparin nila ang kahilingan nito na maaari nilang magawa sa ibang panahon.

ABU DHABI

ALEXANDRA MAE GUEVARRA

BERYL CRUZ

CHELSEA MORALES

CLAIRE RECELI RENOSA

CRUZ

DR. YANGA COLLEGES

HINAMON

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

ROBOT TRAFFIC ENFORCER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with