^

Metro

Trader pumalag sa holdap, sinaksak

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang negosyante makaraang saksakin ng tatlong holdaper sa harap ng kanyang anak kahapon sa Caloocan City.

Patuloy na inoobserbahan sa Dr. Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Joselito Calagos, 42, ng Brgy. 179 Camarin, Caloocan City.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga suspek. Lumalabas sa report ng pulisya, na dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Jasmin St. ng nasabing lungsod.

Napag-alaman na binabagtas ng biktima ang nasabing lugar kasama ang kanyang anak na babae, sakay sa kanilang service na pedicab galing sa pagde-deliver ng mga itlog. Dito ay agad na hinarang ng mga suspek ang biktima saka tinutukan ng patalim at sapilitang kinukuha ang pitaka nito, ngunit pumalag ang biktima dahilan upang pagsasaksakin ito.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek at iniwang duguan ang biktima.  

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

DITO

DR. RODRIGUEZ

JASMIN ST.

JOSELITO CALAGOS

LUMALABAS

MATAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with